10 January 2009

POSERA!

Si WIRDO—

Bawat kausap niya’y may kanya- kanyang “style” at hindi minsan maintindihan ang nais..

Punk dito, rocker sa tabi, emo jan, flirty doon, cool o hip- hop, reggae na makulay at kulot- kulot, classic na cute, fashionistang hindi maintindihan, brainy pero ‘di naman, retro at sosyalera daw, skater sa kanto..

Lahat sila’y pare- pareho sa paraang kung hindi ka gumaya o sumama sa uso, wirdo at baduy ka sa paningin nila! Natural na usisero ang mga Pilipino.Paano ko nasabi? Dumaan ka sa gitna ng campus ninyo. Bago ka man makarating sa dapat mong puntahan, kung nararamdaman lang ang tingin ng tao’y marahil manhid ka na. Ihahatid ka ng bawat tingin sa iyong paroroonan.

Dalawa lamang ang ibig sabihin ng seryosong tingin ng mga ito, mula ulo hanggang paa..

Maganda at kakaiba, o baduy at wala sa uso ang damit na suot mo!

Kung hindi naman ganyan ang tao, marahil ay hindi magkakaroon ng problema ang mundo! Sa kaka- pili ng damit ng dumaraming bilang ng mga gaya- gaya at nais maki-uso…

Hindi naman masama ang magkaroon ng sariling style o sumama sa uso, wag lang pilitin ang sarili at pakiusap.. Alamin kung bagay sa’yo! Yun bang masasabi mong komportable.. Wag mag heels kung magrereklamo lang sa sakit, wag mag- skirt kung hihilahin mo lang para bumaba(madalas akong makakita nito), tantanan ang pagiging emo kung masakit na ang leeg sa kaka-side view! Hahayaan mo na lamang bang tumanda sa estilo ng iba, o makita kang kakaiba?

Maganda sa pandinig kung tawagin akong wirdo, ano naman?! mas pipiliin ko ito kesa sa pag- usapan ako’t tawaging isang hamak na POSER!!

Because the way we wear clothes are the way we show who we really are, showing the world we’re incomparable and not because we want to fit in!

No comments: