Kahit ano pa ang sabihin ng tao kung talagang nagmamahal, ay wala nang maiisip na tama kundi ang patuloy na masaktan. Kaya tuwing naririnig kong umiiyak si Tina dahil sa kanyang nobyo, hindi na ako nagsasalita. Dahil sayang ang boses ko, hindi rin lang siya makikinig! Sa labing pitong taong paninirahan ko sa mundong ibabaw, lahat ng naririnig ko tungkol sa pagmamahal ay negatibo sa banding huli. Ano pa nga ba, ‘yon ang bukang bibig nila. Kaya malaki na lamang ang pagtataka ko, bakit pa kayo sumubok? Kung wala rin lang kahihinatnan…
08 January 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment